X hits on this document

51 views

1 shares

0 downloads

0 comments

12 / 12

WIKIFILIPINO Primer

Ang WikiFilipino ay aktibong imbakan ng karunungan at karanasan. Ngunit hindi ito karaniwang imbakan dahil nabubuhay ito sa pamamagitan ng bayanihan ng sari-saring tao at institusyon na bagama’t iba’t iba ang paniniwala at ang uring pinagmulan ay pinagbubuklod naman ng isang adhikain: ang lumikha ng Aklasang Bayan sa Himpapawid (People Power Online) para sa kinabukasan ng Filipino saanmang panig ng mundo siya naroroon.

Hango ang salitang “WikiFilipino” sa pinagtambal na salitang “wiki,” na maitutumbas sa isang uri ng bayanihang websayt, at “Filipino,” na tumutukoy sa tao na may gayong lahi o pagkamamamayan at sa lahat ng konseptong may kaug- nayan doon. Ang “WikiFilipino” ay mahihinuhang bayanihang Filipino sa larangan ng pagbubuo ng websayt at pagpapalaga- nap ng impormasyon.

Alanganing ensiklopedya at alanganing magasin ang WikiFilipino. Ibig sabihin, wala pang tiyak na salita — mula man sa pinakabagong diksiyonaryo — ang makapagpapakahulugan nang lubos sa bagong uri ng ginagampanan nitong tungkulin. Hindi makatwiran kung gayon na bansagan ang WikiFilipino na alingawngaw lamang ng gaya ng Wikipedia. Iba ang anyo, disenyo, patakaran, pananaw, at pagdulog ng WikiFilipino na ikagugulat kahit ng sinumang nahirati sa putaheng Ingles.

Adhikain ng WikiFilipino na maging tinig ng taumbayan. At bilang tinig, kailangan nitong pagyamanin ang gunita sa pamamagitan ng pagbabalik sa nakaraan at paghalungkat sa lahat ng may kaugnayan sa Filipino at Filipinas. Hangad ng WikiFilipino na maisilang ang malawakang sanggunian at ugnayang panghimpapawid para sa mga Filipino, at tungo sa ikagagaling ng Filipinas, sa matwid na pamamaraan.

Gagamitin sa WikiFilipino ang mga salitang Filipino. Maaaring sa umpisa’y manibago ang gagamit nito. Ngunit habang tumatagal, maaasahan ang napakadaling pagbabasa o pagsasaliksik, dahil ang mga salita ay hindi Ingles na malayo sa diwain ng Filipino bagkus nasa wika mismo ng Filipino.

Marami nang saliksik ang nagsasaad na higit na epektibo ang Filipino kung nagagamit niya ang wikang gamay niya sa pakikipagtalastasan sa ibang tao na batid ang gayong wika. Ito na ang pagkakataon na gamitin ang wikang Filipino para sa mga Filipino, at burahin ang mga prehuwisyo laban sa Filipino.

Malaki ang paniniwala ng WikiFilipino na magiging malaking puwersa ito sa mga darating na panahon. Hinihikayat nito kung gayon ang buong sambayanang Filipino na makilahok sa bayanihang proyektong ito.

Halina, at gamitin natin sa makabuluhang pakikibaka, ang WikiFilipino para sa mga Filipino ng Bagong Milenyo!

ABANGAN!

WIKIPILIPINAS

WikiWorx is a collection of articles based on a particular topic heading such as Baran- gay, Filipino Food, Paskong Pinoy, Ethnolinguistic Groups, Filipino Games, and Filipino Fiestas. Aside from being an indexed and easily manageable compilation of articles, the purpose of WikiWorx is to serve as a collaborative platform for editors and contributors working on a shared topic of interest. Compared with WikiPilipinas Portals which contain a huge amount of articles and categories, WikiWorx concentrates on building information for a very specific knowledge area.

Write, edit and collaborate! Register now at WikiPilipinas and be part of the growing community of WikiPinoys!

www.wikipilipinas.org

Document info
Document views51
Page views53
Page last viewedMon Dec 05 01:57:42 UTC 2016
Pages12
Paragraphs216
Words5175

Comments